Sunday, April 26, 2015

@ Villa Sylvia Resort



       

                SUMMER !! ang bahagi ng taon na inaabangan ng lahat, sa kadahilanang ito ang   natatangi nating oras,  upang makasama ang ating PAMILYA, mga KAIBIGAN at iba pang mahal natin sa buhay:) Oras upang pag usapan ang mga karanasan natin ngayong buong taon. Narito ang isang lugar kung saan nag enjoy ako ng lubos kasama aking pamilya!


 VILLA SYLVIA RESORT @ Nagcarlan Laguna

                     

                 
                        Ito ang unang lugar na aming pinuntahan kasama ang buong pamilya.
 Kaakit akit ang mga tanawin habang kami ay naglalakabay papunta sa nasabing Resort, 3 hours ang aming nilakbay mula Binangonan upang makarating kami dito, ngunit sulit naman ang pagod sa biyahe sapagkat maganda talaga  ang lugar at mag eenjoy ang  lahat. May 3 itong pool at batis sa dulong bahagi nito. Napakalamig ng tubig dito ngunit malinis naman at talagang kaakit akit ang tanawin mula sa taas na bahagi nito. Bukod pa dito ang gastos ay hindi gaanong malaki kung ikukumpara sa ibang Resort na maari nating puntahan.

                              Ito ang kasalukuyang rates sa Villa Sylvia Resort

Day Swimming Entrance Fee:
Adult: 60 /person
Child: 50/ person
Free Entrance for children below 3 years old

Night Swimming:
Adult: 80/ person
Child: 70/ person

Day swimming: 6 am to 6 pm
Night swimming: 6 pm to 6 am

info from: .yodisphere.com

 
                     Ano pang iniintay ninyo, summer na! tayo'y magsaya kasama ang pamilya!


                                            Narito ang aming mga larawan sa nasabing Resort              
ang aking mommy at papa

       

with my tita's and ate's

diwata ng kagubatan! hahahaha

                                                                       

with pinsan's and tito
































Tara na at mag enjoy! Ngayong Summer Vacation!! 

Say Hello to Summer!!!



19 comments:

  1. Yeah, and it's time to spend with your family specially to your kiddos they love under the sun ^^

    ReplyDelete
  2. unforgettable memories lalo na at kasama ang buong pamilya......=>

    ReplyDelete
  3. Picture palang oh.... panalo na lalo na si kuyang hunk... Beautiful Family po

    ReplyDelete
  4. AStig ang rates! :D Pag nakuha ko na yung Innova ko pupuntahan ko ito. :D

    ReplyDelete